Biyernes, Mayo 24, 2013

Alam Nyo Ba? Kung Paano Kumuha ng Litrato Noon?

Camera


Kung ngayon ay madali nang gumamit ng mga automatic still camera, paano kaya noon?

Ang unang litrato ay kinunan ng Pranses na si Joseph-Nicephore Niepce noong 1827. Dahil wala pang developing paper noon, sa pewter plate niya inilagay ang images na ito.

Gumamit siya ng bitumen at asphalt upang lumabas ang images.

Makaraang mamatay si Niepce noong 1833, ipinagpatuloy ng imbentor na si Danguerre ang paggamit ng camera. Sa panahong ito lumabas ang pinakaunang commercial camera noong 1837 na tinawag na "daguerreotype."

Ang mga larawang kuha ni Danguerre ang tinaguriang kauna-unahang matagumpay na litrato.

Natuklasan naman ni Henry Fox Talbot ang paggamit ng negative-positive process. Inilagay ni Talbot ang plate sa isang kahon na may mercury hanggang sa mabuo ang images.

Hanggang ngayon ay may gumagamit pa rin ng ganitong proseso.

Ang imbentor na Amerikanong si George Eastman ang nagpakilala ng easy-to-use Kodak camera noong 1888. Siya rin ang nakatuklas ng unang roll films.

Taong 1861 naman nang magsimula ang experimento sa color photography sa pamamgitan ni James Clerk Maxwell.

Ipinagpatuloy ito ng magkapatid na Auguste at Louis Lumiere noong 1907.

Potato starch o gawgaw na kinulayan ang unang ginamit upang malagyan ng kulay ang litrato.

Sa ngayon, hindi na kailangan pang gumamit ng gawgaw sa mga colored picture dahil nagagawa na ito sa mabilis na proseso gamit ang processing machine.

Sa pagpasok ng dekada '90, dumating ang pinakabagong paraan upang mabilis na mai-print ang mga litrato. Ito ay sa pamamagitan ng bagong digital camera na pwedeng ikonekta sa personal computer.

Naimbento naman ng kompanyang Canon ang kauna-unahang card photo printer. Sa loob lang ng ilang segundo pwede nang makuha ang litrato.

Mayroon itong built-in charge couple device kaya hindi na kailangang gumamit pa ng film.

Ikakabit lang dito ang compact flash memory card at pwede na itong magamit sa matagal na panahon.

Bentahe din sa digital camera ang pagkakaroon ng optical at digital zoom. Bukod dito, pwede pang retokehin ang hitsura ng kukunan sa litrato gamit ang computer o kaya naman ay pumili ng gusto mong background.

Mayroon din itong movie mode na may sound capture function kaya pwede mo itong ikonekta sa telebisyon upang ma-preview ang mga kuhang litrato.

Ito ngayon ang mukha ng camera -- ang produkto ng mahigit 200 taong kasaysayan ng litrato.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento