Biyernes, Mayo 24, 2013

Alam Nyo Ba? Kung Saan Matatgpuan ang Silop Cave na Pinaninirahan ng Libo-libong Paniki?

Guano

Sa mga lugar na malayo sa siyudad, pagsasaka ang pangunahing pinagmumulan ng ikabubuhay. Bagamat marami na ring sumusubok ng iba't ibang kemikal upang masiguro ang magandang tubo ng palay, mayroon pa rin namang gumagamit ng mga patabang nagmumula sa kalikasan.

Tulad na lang ng mga magsasaka sa Barangay Silop, Lungsod Surigao.

Dito matatagpuan ang Silop Cave na pinaninirahan ng libo-libong paniki.

Matarik na daan at matatalas na bato ang kailangang daanan upang marating ang kwebang ito pero sa kabila nito ay patuloy pa ring dinarayo ng mga tagarito ang kweba di lamang upang masilayan ang natatanging ganda nito kundi dahil dito sila kumukuha ng guano fertilizer na nagmumula sa dumi ng paniki.

Dahil wala pang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa kwebang ito, ipinakita ng Knowledge Power sa mga dalubhasa sa National Museum ang video na nakunan sa loob ng kweba upang malaman kung anong uri ng paniki ang naninirahan dito.

Ayon kay Maria Josefa Veluz, isang mammalogist, karamihan sa mga paniking naninirahan dito ay mula sa pamilya ng vespertilionidae o mas kilala bilang "evening bat."

Hinggil sa mga mineral, nitrogen, phosphorus, at potassium ang mga pangunahing nutrients na makukuha sa guano.

Higit na mabuti ang paggamit ng organic fertilizer tulad ng guano kaysa chemical fertilizer dahil pinapatay nito ang mga beneficial microbes na nakapagpapalusog ng lupa.

Ngunit sa kabila ng malaking tulong na naibibigay ng guano sa mga pananim, dapat pa ring magkaroon ng limitasyon ang paggamit nito.

Dapat na ring itigil ng ilang residente ang nakakagawiang pagkain ng mga paniki dahil hindi malayong mauwi sa pagkaubos ang mga ito at ang kanilang kinakailangang guano.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento