Biyernes, Mayo 24, 2013

Alam Nyo Ba? Kung Saan Nga Ba Tayo Pupunta Kapag Tayo'y Pumanaw na?

Impyerno

Sa buhay ng tao sa mundo, lagi't laging lumilitaw ang tanong na ito: "Saan nga ba tayo pupunta kapag natapos na ang oras natin dito sa lupa?"

Para sa marami, hindi pa katapusan ang pagpanaw dahil oras na mangyari ito, mayroon pang kalalagyan ang kalulwa sa kabilang buhay.

Depende sa mga paniwala, mayroong nais mapunta sa langit kung naging mabait at mabuting tao noong nabubuhay pa, o di kaya ay sa impyerno, lugar ng walang hanggang kaparusahan para sa mga naging suwail sa Dios.

Batay sa mga pag-aaral, halaw ang law ang salitang impiyerno sa wikang Hebreo na "sheol" at Griyego naman na "hades," kapwa mga salitang nangangahulugan ng libingan.

Sa Greek mythology, ang salitang hades ay pangalan din ng god of the underworld.

Sa kasaysayan, ang Italian poet na si Dante Alighieri ang nagbigay ng popular na itsura ng impyerno sa kanyang akdang The Divine Comedy noong 1321.

Dito, inilarawan niya ang iba't ibang antas ng impyerno kung saan pinahihirapan ang mga makasalanan sa sari-saring paraan.

Bagamat ang akda ay may basehan sa doktrina ng simbahan, kathang-isip lang din lang na puno rin ng mga elemento ng klasikal na alamat. Tulad na lang din ng sa kaso ni Charon, bangkero ng impyerno na bahagi naman ng Roman mythology.

Isa pang salita sa Biblia na nasa Bagong Tipan at isinalin bilang impiyerno ay ang "gehenna."

Ito ang libis ng bayan ng Hinnom sa labas ng Jerusalem kung saan tinatambak at sinusunog ang mga basura ng siyudad.

Noon, ginamit ito bilang simbolo ng walang hanggang kamatayan sa pamamagitan ng di-naaapulang apoy.

Maliban sa mga Kristiyano, ang mga Moro, Buddhist at Hindu ay naniniwala rin sa isang lugar tulad ng impyerno.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento