Biyernes, Mayo 24, 2013

Alam Nyo Ba? Ang isang lihim ang itinago sa Great Pyramid of Giza sa Egypt?

Pyramid rover

Apat na libo at limang daang taon na ang nakakaraan, isang lihim ang itinago sa Great Pyramid of Giza sa Egypt. Ngunit sa ika-21 siglo, nabuksan na ang sikretong ito.

Ang Great Pyramid of Giza ay libingan ni Khufu, ang ikatlong pharaoh ng ikaapat na dinastiya ng Egypt.

Mayroong dalawang malaking chambers ang pyramid: ang King's Chamber at Queen's Chamber.

Sa queen's chamber, naroon ang isang lagusan na matagal na pinaniniwalaang papunta sa isa pang chamber na naglalaman ng sekreto ng matandang karunungan ng Egypt at ng mga pyramid.

Nitong Setyembre 2002, sa harap ng milyon-milyong manonood sa telebisyon, nangyari ang matagal nang pangarap ng mga siyentipiko. Isang robot, ang Pyramid Rover, ang pumasok sa lagusan hanggang makarating sa nakaharang na batong tila maliit ding pinto.

Matapos butasan ang harang na bato, ipinasok ng pyramid rover ang maliliit na kamera nito.

Makapigil-hininga ito para sa mga archeologist dahil sa wakas, ang lihim ng mahigit 4,000 taon ay malalantad na. Ngunit laking-gulat nila nang matuklasang isa pang batong pinto ang nakaharang sa lagusan.

Kung ano pa ang nakatago sa likod ng ikalawang harang na iyon ay siya namang sisikapin na alamin ng mga archeologist sa mga susunod pang proyekto.

Sa ngayon, mananatili pa ring lihim ang sikreto ng Great Pyramid of Giza.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento