Sabado, Mayo 25, 2013

Alam Nyo Ba? Ang Masamang Naidudulot ng Subrang Paggamit ng Steroid?

Steroids 

Para sa mga atleta at body builder, karaniwang maririnig ang mga katagang anabolic steroids.

Ngunit ano nga ba ang anabolic steroids?

Ang anabolic steroids ay synthetic substances na kayang palitan ang testosterone o androgen ng lalaki.

Ang androgen ay male hormone na nagmumula sa testes. Mayroon din nito ang mga babae na ginagawa naman sa adrenal glands at ovaries.

Malaki ang gawain ng androgen sa pagde-develop ng muscles.

Noong 1930 nadiskubre ng mga Aleman ang anabolic steroids upang gamutin ang sakit na "hypogonadism" o paghinto ng testes sa pagpo-produce ng testosterone.

Sa kabila ng naunang layunin ng gamot na ito, marami ang sumubok na gamitin ang steroids upang mas lalo pang mapalaki ang kanilang katawan.

Ang paggamit ng anabolic steroids ay mahigpit na ipinagbabawal kung walang reseta ng doktor ngunit marami pa rin ang ilegal na nagbebenta ng mga oral at injectible steroids.

Kapag nasobrahan ang isang atleta o body builder sa pag-iiiniksyon sa katawan, maaari nitong maapektuhan ang internal organs.

Kabilang din sa side effects nito ay ang pagkakaroon ng alta-presyon at komplikasyon sa puso, sakit sa atay na maaaring mauwi sa cancer, stroke sanhi ng blood clots, problema sa sikmura, madalas na pananakit ng ulo, pagsusuka, hindi makatulog, pananakit ng kalamnan, pagkakaroon ng maraming acne at maagang pagkakalbo.

Maaari din itong pagmulan ng pagkabaog.

Kung mag-iiniksyon naman nito sa murang edad, malamang na huminto ang paglaki.

Dahil bawal, walang aamin na nagturok sila ng steroids upang lumaki ang katawan. Maraming atleta na rin ang hindi pinayagang maglaro sa mga international competition dahil napatunayang positibo sila sa steroids. 
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento