Sabado, Mayo 25, 2013

Alam Nyo Ba? Na Posible ang Time Travel?

Time travel

Wika nga, ang oras ay ginto kaya 'di ito dapat aksayahin. Pero paano kung pwedeng balikan ang nakaraan at itama ang anumang mga pagkakamali o magtungo sa hinaharap para tanawin ang bukas?

Matagal nang laman ng imahinasyon ng tao ang time travel sa mga libro at maging sa pelikula. Ngunit sa mga makabagong teorya at kaisipan sa agham, ang posibilidad na makapaglakbay sa iba't ibang panahon ay hindi na minamaliit at binabalewala.

Sa ngayon, hindi lang napupuna, nagagawa na ring mag-time travel tuwing nagpupunta sa isang lugar lalo na kung sakay ng isang mabilis na behikulo tulad ng eroplano.

Ito ay dahil ang konsepto ng space at time, ayon sa mga physicist, ay hindi mapaghihiwalay.

Kung ang isang tao ay kumikilos o bumibiyahe lulan ng napakabilis na sasakyan tulad halimbawa ng Concorde jet na na mas mabilis pa sa speed of sound na 331 meters per second, higit na mabagal ang takbo ng oras doon.

Gayunman sa ngayon, napakaliit lamang ng pagkakaibang naitatala sa oras -- pinakamaliit na fraction ng segundo lang -- kaya kaya hindi ito nagiging kapuna-puna.

Ang kailangan, matanggal ang pinakamalaking hadlang sa pinapangarap na time travel. Ito ang speed of light na 299,792,458 meters per second.

Sa kasaysayan ng siyensiya, ang bantog na physicist na si Albert Einstein ang nagbukas sa pinto sa posibilidad ng time travel.

Kung ang takbo ng isang tao ay malapit na sa speed of light, maaari nang makapunta sa hinaharap at kung malampasan pa ito, pwede namang balikan ang nakaraan. Kapag nangyari ito, pwede nang itama ang mga pagkakamali noon.

Ngunit para magawa ito, kailangan ng isang napakabilis na sasakyan dahil ang mga modernong space shuttle ay hindi pa sapat ang bilis.

Bago din maabot ang speed of light, madudurog ang taong makakagawa nito dahil hindi makakayanan ang bigat na madadagdag sa katawan habang bumibilis ang paglalakbay.

Ayon naman sa theoretical physics, may mga natural na gateways sa sansinukob na maaaring lagusan patungo sa ibang panahon at maging sa ibang universe -- mga tinatawag na wormhole.

Sa paliwanag ng mga dalubhasa, sa mga multi-universe na ito napupunta ang sinomang nakabalik sa nakaraan at nagawang baguhin at pakialaman iyon.

Dito rin ay may multiple existence ang bawat isa tulad ng isinalarawan sa pelikulang The One ni Jet Li.

Ang katotohanan sa kabila ng lahat ng ito, malayo pa ang landas na tatahakin bago tuluyang maging realidad ang time travel. Ito pa lang ang mapanghahawakan ng tao sa ngayon.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento