Sabado, Mayo 25, 2013

Alam Nyo Ba? Ang Masamang Naidudulot ng Subrang Paggamit ng Steroid?

Steroids 

Para sa mga atleta at body builder, karaniwang maririnig ang mga katagang anabolic steroids.

Ngunit ano nga ba ang anabolic steroids?

Ang anabolic steroids ay synthetic substances na kayang palitan ang testosterone o androgen ng lalaki.

Ang androgen ay male hormone na nagmumula sa testes. Mayroon din nito ang mga babae na ginagawa naman sa adrenal glands at ovaries.

Malaki ang gawain ng androgen sa pagde-develop ng muscles.

Noong 1930 nadiskubre ng mga Aleman ang anabolic steroids upang gamutin ang sakit na "hypogonadism" o paghinto ng testes sa pagpo-produce ng testosterone.

Sa kabila ng naunang layunin ng gamot na ito, marami ang sumubok na gamitin ang steroids upang mas lalo pang mapalaki ang kanilang katawan.

Ang paggamit ng anabolic steroids ay mahigpit na ipinagbabawal kung walang reseta ng doktor ngunit marami pa rin ang ilegal na nagbebenta ng mga oral at injectible steroids.

Kapag nasobrahan ang isang atleta o body builder sa pag-iiiniksyon sa katawan, maaari nitong maapektuhan ang internal organs.

Kabilang din sa side effects nito ay ang pagkakaroon ng alta-presyon at komplikasyon sa puso, sakit sa atay na maaaring mauwi sa cancer, stroke sanhi ng blood clots, problema sa sikmura, madalas na pananakit ng ulo, pagsusuka, hindi makatulog, pananakit ng kalamnan, pagkakaroon ng maraming acne at maagang pagkakalbo.

Maaari din itong pagmulan ng pagkabaog.

Kung mag-iiniksyon naman nito sa murang edad, malamang na huminto ang paglaki.

Dahil bawal, walang aamin na nagturok sila ng steroids upang lumaki ang katawan. Maraming atleta na rin ang hindi pinayagang maglaro sa mga international competition dahil napatunayang positibo sila sa steroids. 
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Kung Paano Nagsimula ang Paggamit ng Pera?

Pera

Sa kalakaran ng panahon ngayon, sinasabing pera o salapi ang nagpapaikot sa mundo. Kapag ekonomiya at kalakalan na ang pinag-uusapan, hindi maaaring ihiwalay ang usapin ng pananalapi.
Ngunit noong unang panahon, barter trade ang uso, tipong palitan ng kalakal ang ginagawa ng mga tao at hindi kailangan ng pera.
Ito ang sistema ng mga mamamayan sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon sila ng problema.
Paano nga naman makakabili ng sapatos ang isang mangingisda kung ayaw naman ng sapatero ng tinda niyang isda?
Kaya ang naging solusyon ay pera, isang bagay na tatanggaping kabayaran sa pangangalakal.
Noong una, gumagamit ang mga mangangalakal ng kabibe, beads, baka at maging tabako bago naimbento ang metal at papel na pera.
Sa ika-21 silgo na laganap na ang credit card o tinatawag na plastic money, mahalaga pa rin ang totoong pera sa kabuuan.
Ang mahalaga, totoo ang perang hawak ng isang tao at hindi peke o counterfeit money.
Sa ngayon, madalas na palsipikahin ang dolyar ng Estados Unidos dahil kahit sa Pilipinas, may namemeke nito.
Ngunit maging ang sariling pera ng Pilipinas ay pinapalsipika na rin -- ng mga Pilipino.
Ang madalas na pekein ay iyong mga may matataas na halaga tulad ng P500 perang papel at P1,000.
Sa bansa, ang Cash Department ng Bangko Sentral ang siyang pangunahing tanggapan ng pamahalaan na nagbibigay edukasyon sa publiko para masugpo ang pagkalat ng mga pekeng pera.
Sa panahon ngayong laganap ang makabagong computer, photocopier at printing machine, madali na ang paggawa ng mga pekeng salapi.

Kahit sino, basta may alam sa pag-iimprenta, pwedeng makagawa ng pekeng pera.
Pero ayon sa Bangko Sentral, hinding-hindi rin mapeperpekto ng mga counterfeiter ang tunay na pera.
Isang dahilan dito ay ang epekto ng flourescent ink ng pera kapag itinapat ito sa ultraviolet light. Maliban dito, dinagdagan pa ng Bangko Sentral ang security features lalo na ng mga bagong serye ng P100, P500 at P1,000.

Isa na rito ay ang "windowed colourshift with clear text security thread" na nag-iiba-iba ang kulay mula magenta sa green o green sa magenta, depende kung saang anggulo tinitingnan ang pera.
Bukod pa dito ang iridescent band na kinaiimprentahan ng halaga ng pera at kung titingnan ang mga guhit sa background at lacework designs sa ilalim ng isang magnifying lens, mapupunang hindi ito basta ordinaryong linya kundi may crisscrossing patterns pa.

Higit sa lahat, pinaka-sekreto sa paggawa ng pera ng Bangko Sentral ay ang papel na ginagamit nila ngunit kung anong komposisyon nito, tanging sila lang ang nakakaalam.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Na Posible ang Time Travel?

Time travel

Wika nga, ang oras ay ginto kaya 'di ito dapat aksayahin. Pero paano kung pwedeng balikan ang nakaraan at itama ang anumang mga pagkakamali o magtungo sa hinaharap para tanawin ang bukas?

Matagal nang laman ng imahinasyon ng tao ang time travel sa mga libro at maging sa pelikula. Ngunit sa mga makabagong teorya at kaisipan sa agham, ang posibilidad na makapaglakbay sa iba't ibang panahon ay hindi na minamaliit at binabalewala.

Sa ngayon, hindi lang napupuna, nagagawa na ring mag-time travel tuwing nagpupunta sa isang lugar lalo na kung sakay ng isang mabilis na behikulo tulad ng eroplano.

Ito ay dahil ang konsepto ng space at time, ayon sa mga physicist, ay hindi mapaghihiwalay.

Kung ang isang tao ay kumikilos o bumibiyahe lulan ng napakabilis na sasakyan tulad halimbawa ng Concorde jet na na mas mabilis pa sa speed of sound na 331 meters per second, higit na mabagal ang takbo ng oras doon.

Gayunman sa ngayon, napakaliit lamang ng pagkakaibang naitatala sa oras -- pinakamaliit na fraction ng segundo lang -- kaya kaya hindi ito nagiging kapuna-puna.

Ang kailangan, matanggal ang pinakamalaking hadlang sa pinapangarap na time travel. Ito ang speed of light na 299,792,458 meters per second.

Sa kasaysayan ng siyensiya, ang bantog na physicist na si Albert Einstein ang nagbukas sa pinto sa posibilidad ng time travel.

Kung ang takbo ng isang tao ay malapit na sa speed of light, maaari nang makapunta sa hinaharap at kung malampasan pa ito, pwede namang balikan ang nakaraan. Kapag nangyari ito, pwede nang itama ang mga pagkakamali noon.

Ngunit para magawa ito, kailangan ng isang napakabilis na sasakyan dahil ang mga modernong space shuttle ay hindi pa sapat ang bilis.

Bago din maabot ang speed of light, madudurog ang taong makakagawa nito dahil hindi makakayanan ang bigat na madadagdag sa katawan habang bumibilis ang paglalakbay.

Ayon naman sa theoretical physics, may mga natural na gateways sa sansinukob na maaaring lagusan patungo sa ibang panahon at maging sa ibang universe -- mga tinatawag na wormhole.

Sa paliwanag ng mga dalubhasa, sa mga multi-universe na ito napupunta ang sinomang nakabalik sa nakaraan at nagawang baguhin at pakialaman iyon.

Dito rin ay may multiple existence ang bawat isa tulad ng isinalarawan sa pelikulang The One ni Jet Li.

Ang katotohanan sa kabila ng lahat ng ito, malayo pa ang landas na tatahakin bago tuluyang maging realidad ang time travel. Ito pa lang ang mapanghahawakan ng tao sa ngayon.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Alam Nyo Ba? Kung Ano ang mga Healing Diets nyo?

Health tips:

Sakit ng tiyan

Tradisyon na sa pamilyang Pilipino ang paghahanda ng masasarap na pagkain lalo na kapag may mga okasyon. Karaniwang laman ng mesa ay mga lutong karne na mahirap tunawin.

Kaya kung naparami ang pagkain nito, natural lang na dumanas ng "indigestion." Ito ang nagiging dahilan ng pangangasim ng sikmura, kabag, at pananakit ng tiyan.

Ang sagot dito ay ang healing diet fruits and vegtables na makapagbibigay-lunas sa ganitong kalagayan.

Ang pagkain ng papaya ay nagpapalambot sa mga kinaing karne dahil ito ay nagtataglay ng "digestive enzyme" na "papain." Ang papain ay mabisang meat tenderizer.

Ang pipino o cucumber naman ay may enzyme na "erepsin." Ito ay may kakayahang tumunaw ng karne tulad din ng papain ng papaya.

Nagtataglay naman ang pinya ng "bromelain" enzyme na mabisa rin sa pagtunaw ng karne.

Natuklasan naman ng mga siyentipikong Hapones na ang luya o ginger ay nagtataglay ng "protease" enzyme na nagpapalambot sa karne.

Mainam na isahog ang ginayat na luya sa mga nilulutong karne bilang meat tenderizer.

Para naman sa mga may constipation, makabubuting magkakain ng sariwang prutas at gulay dahil mayaman ito sa fiber.

Ang fiber sa pagkain ay nagpapasigla ng "peristaltic movement" ng bituka para mabilis ang paglabas ng dumi sa katawan.

Mainam din kumain ng mga sumusunod na prutas:

Suha
Langka
Oranges
Duhat
Ubas
Mansanas
Melon
Pakwan
Avocado
Saging
Mangga

Sa mga gulay naman, mabuting kainin ang :

Letsugas
Repolyo
Singkamas
Carrots
Patatas
Kamote
Kinchay
Kamatis
Sibuyas
Repolyo

Samantala, sinasabing ang katas ng repolyong hilaw nagtataglay ng Vitamin U na mainam na gamot sa ulcer.

Kung ang pagsakit naman ng tiyan ay bunga ng mikrobyo o impeksyon, makabubuting uminom ng isang kutsarang "garlic with honey" matapos kumain ng almusal, tanghalian, at hapunan bilang natural antibiotic.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Biyernes, Mayo 24, 2013

Alam Nyo Ba? Ang mga Simple Solutions for Common Problems sa Bahay nyo?

I like to join daily health tips for keeping us fit & healthy
Common Problems Simple Solutions~

* Ants Problem, Ants hate cucumbers. Keep the skin of cucumbers near the place or ant hole.

* To get pure and clean ice, Boil water first before freezing.

* To make the mirror shine, Clean with sprite

* To remove chewing gum from clothes, Keep the cloth in the freezer for an hour.

* To whiten white clothes, Soak white clothes in hot water with a slice of lemon for 10 minutes.

* To give a shine to hair, Add one teaspoon of vinegar to hair, then wash hair.

* To get maximum juice out of lemons, Soak lemons in hot water for one hour and then juice them.

* To avoid smell of cabbage while cooking, Keep a piece of bread on the cabbage in the vessel while cooking.

* To avoid tears while cutting onions, Chew gum.

* To boil potatoes quickly, Skin one potato from one side only before boiling.

* To remove ink from clothes, Put toothpaste on the ink spots generously and let it dry completely, then wash.

* To skin sweet potatoes quickly, Soak in cold water immediately after boiling.

* To get rid of mice , sprinkle black pepper in places where you find mice or rats. They will run away.


   

Alam Nyo Ba? Ang Pinakaunang nagsulat Ng Mga Simbolo?

Alam n'yo ba?

Ang mga Sumerian sa Mesopotamia (kasalukuyang Iraq) ang pinakaunang nagsulat ng mga simbolo 5,300 taon na ang nakalilipas.

Dahil wala pang computer printer noon, inilagay nila ito sa mga clay tablet.

Noong 3,000 B.C., naimbento naman ng mga Egyptian ang "hieroglyps." Sa mga pader at poste naman nila isinusulat ang kanilang kasaysayan.

Ginamit din nila ang mga kweba, dahon at kawayan bilang pinakaunang paraan ng printing.

Di tulad ngayon na madali nang mai-print ang mga isinusulat sa pamamagitan ng modernong printer.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Alam Nyo Ba? Kung Saan Matatgpuan ang Silop Cave na Pinaninirahan ng Libo-libong Paniki?

Guano

Sa mga lugar na malayo sa siyudad, pagsasaka ang pangunahing pinagmumulan ng ikabubuhay. Bagamat marami na ring sumusubok ng iba't ibang kemikal upang masiguro ang magandang tubo ng palay, mayroon pa rin namang gumagamit ng mga patabang nagmumula sa kalikasan.

Tulad na lang ng mga magsasaka sa Barangay Silop, Lungsod Surigao.

Dito matatagpuan ang Silop Cave na pinaninirahan ng libo-libong paniki.

Matarik na daan at matatalas na bato ang kailangang daanan upang marating ang kwebang ito pero sa kabila nito ay patuloy pa ring dinarayo ng mga tagarito ang kweba di lamang upang masilayan ang natatanging ganda nito kundi dahil dito sila kumukuha ng guano fertilizer na nagmumula sa dumi ng paniki.

Dahil wala pang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa kwebang ito, ipinakita ng Knowledge Power sa mga dalubhasa sa National Museum ang video na nakunan sa loob ng kweba upang malaman kung anong uri ng paniki ang naninirahan dito.

Ayon kay Maria Josefa Veluz, isang mammalogist, karamihan sa mga paniking naninirahan dito ay mula sa pamilya ng vespertilionidae o mas kilala bilang "evening bat."

Hinggil sa mga mineral, nitrogen, phosphorus, at potassium ang mga pangunahing nutrients na makukuha sa guano.

Higit na mabuti ang paggamit ng organic fertilizer tulad ng guano kaysa chemical fertilizer dahil pinapatay nito ang mga beneficial microbes na nakapagpapalusog ng lupa.

Ngunit sa kabila ng malaking tulong na naibibigay ng guano sa mga pananim, dapat pa ring magkaroon ng limitasyon ang paggamit nito.

Dapat na ring itigil ng ilang residente ang nakakagawiang pagkain ng mga paniki dahil hindi malayong mauwi sa pagkaubos ang mga ito at ang kanilang kinakailangang guano.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Alam Nyo Ba? Kung Saan Nga Ba Tayo Pupunta Kapag Tayo'y Pumanaw na?

Impyerno

Sa buhay ng tao sa mundo, lagi't laging lumilitaw ang tanong na ito: "Saan nga ba tayo pupunta kapag natapos na ang oras natin dito sa lupa?"

Para sa marami, hindi pa katapusan ang pagpanaw dahil oras na mangyari ito, mayroon pang kalalagyan ang kalulwa sa kabilang buhay.

Depende sa mga paniwala, mayroong nais mapunta sa langit kung naging mabait at mabuting tao noong nabubuhay pa, o di kaya ay sa impyerno, lugar ng walang hanggang kaparusahan para sa mga naging suwail sa Dios.

Batay sa mga pag-aaral, halaw ang law ang salitang impiyerno sa wikang Hebreo na "sheol" at Griyego naman na "hades," kapwa mga salitang nangangahulugan ng libingan.

Sa Greek mythology, ang salitang hades ay pangalan din ng god of the underworld.

Sa kasaysayan, ang Italian poet na si Dante Alighieri ang nagbigay ng popular na itsura ng impyerno sa kanyang akdang The Divine Comedy noong 1321.

Dito, inilarawan niya ang iba't ibang antas ng impyerno kung saan pinahihirapan ang mga makasalanan sa sari-saring paraan.

Bagamat ang akda ay may basehan sa doktrina ng simbahan, kathang-isip lang din lang na puno rin ng mga elemento ng klasikal na alamat. Tulad na lang din ng sa kaso ni Charon, bangkero ng impyerno na bahagi naman ng Roman mythology.

Isa pang salita sa Biblia na nasa Bagong Tipan at isinalin bilang impiyerno ay ang "gehenna."

Ito ang libis ng bayan ng Hinnom sa labas ng Jerusalem kung saan tinatambak at sinusunog ang mga basura ng siyudad.

Noon, ginamit ito bilang simbolo ng walang hanggang kamatayan sa pamamagitan ng di-naaapulang apoy.

Maliban sa mga Kristiyano, ang mga Moro, Buddhist at Hindu ay naniniwala rin sa isang lugar tulad ng impyerno.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Kung Saan Matatgpuan ang Sinasabing Spring of Youth?

Milagrosang bukal natagpuan daw sa Batanes

Fountain of Youth



Tatlong kilometro mula sa poblacion ng Mahatao, Barangay Ricuaydi sa Batanes, matatagpuan ang sinasabing spring of youth.

Maraming taon na ang nakalilipas nang kumalat ang kwento tungkol sa milagrong hatid ng bukal. Pinaniniwalaan ng mga matatandang Ivatan na nakapagpapagaling ng sakit ang tubig nito.

Ayon sa mga residente, nagiging bata rin ang pakiramdam ng sinumang uminom at naligo dito.

Nag-umpisa ang kwento ng milagrosong bukal dahil sa paghahanap ng isang ina ng lunas para sa kanyang may sakit na anak.

Ayon sa kwento, napadpad ang di-pinangalanang ina sa Ricuaydi kung saan natagpuan nila ang sinasabing milagrosong bukal ng tubig.

'Di sinasadyang uminom sila sa bukal ng Ricuaydi at himalang gumaling at lumakas ang anak. Simula noon maraming residente ng Mahatao ang naniniwala sa bisa ng bukal.

Dinadala nila ang mga may karamdaman at may mga sugat upang madaling gumaling. Ngunit isang mangkukulam, ayon sa kuwento, ang naiinggit sa bukal ng buhay.

Isinumpa niya ito at inalayan ng pusang itim upang mawala ang bisa ng bukal.

Dahil dito, hanggang ngayon ay hindi pa nawawala ang sumpa ng mangkukulam bagamat marami pa ring residente ang patuloy na naniniwala sa hiwaga ng bukal.

May ilang residente na rin ang nagpatunay na may bisa pa ang tubig. Isa si Eduardo Balasbas sa napagaling ng tubig sa bukal.

Samantala, hindi ang bukal sa Ricuaydi ang unang insidente ng pagkakakita sa umano'y fountain of youth.

Noong 1493 isang manlalakbay na Kastila, si Juan Ponce de Leon, ang naghanap sa fountain of youth. Kasama si de Leon sa mga galleon ni Christopher Columbus na naglakbay patungong kontinente ng Amerika.

Unang nabalitaan ni de Leon ang tungkol sa fountain of youth mula sa mga katutubo ng Amerika.

Kasunod nito naging gobernador si de Leon ng isla ng Borinquen na ngayon ay Puerto Rico. Ito ang naging pagkakataon ni de Leon upang makapunta sa isla ng Bimini sa Bahamas.

Dito niya hinanap ang sinasabing hardin ng Hesperides kung saan matatagpuan ang fountain of youth.

Pinaniniwalaan noon na ang bukal na tubig sa hardin ng Hesperides ang makapagpapanatili sa ganda ng sinuman.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Kung Paano Kumuha ng Litrato Noon?

Camera


Kung ngayon ay madali nang gumamit ng mga automatic still camera, paano kaya noon?

Ang unang litrato ay kinunan ng Pranses na si Joseph-Nicephore Niepce noong 1827. Dahil wala pang developing paper noon, sa pewter plate niya inilagay ang images na ito.

Gumamit siya ng bitumen at asphalt upang lumabas ang images.

Makaraang mamatay si Niepce noong 1833, ipinagpatuloy ng imbentor na si Danguerre ang paggamit ng camera. Sa panahong ito lumabas ang pinakaunang commercial camera noong 1837 na tinawag na "daguerreotype."

Ang mga larawang kuha ni Danguerre ang tinaguriang kauna-unahang matagumpay na litrato.

Natuklasan naman ni Henry Fox Talbot ang paggamit ng negative-positive process. Inilagay ni Talbot ang plate sa isang kahon na may mercury hanggang sa mabuo ang images.

Hanggang ngayon ay may gumagamit pa rin ng ganitong proseso.

Ang imbentor na Amerikanong si George Eastman ang nagpakilala ng easy-to-use Kodak camera noong 1888. Siya rin ang nakatuklas ng unang roll films.

Taong 1861 naman nang magsimula ang experimento sa color photography sa pamamgitan ni James Clerk Maxwell.

Ipinagpatuloy ito ng magkapatid na Auguste at Louis Lumiere noong 1907.

Potato starch o gawgaw na kinulayan ang unang ginamit upang malagyan ng kulay ang litrato.

Sa ngayon, hindi na kailangan pang gumamit ng gawgaw sa mga colored picture dahil nagagawa na ito sa mabilis na proseso gamit ang processing machine.

Sa pagpasok ng dekada '90, dumating ang pinakabagong paraan upang mabilis na mai-print ang mga litrato. Ito ay sa pamamagitan ng bagong digital camera na pwedeng ikonekta sa personal computer.

Naimbento naman ng kompanyang Canon ang kauna-unahang card photo printer. Sa loob lang ng ilang segundo pwede nang makuha ang litrato.

Mayroon itong built-in charge couple device kaya hindi na kailangang gumamit pa ng film.

Ikakabit lang dito ang compact flash memory card at pwede na itong magamit sa matagal na panahon.

Bentahe din sa digital camera ang pagkakaroon ng optical at digital zoom. Bukod dito, pwede pang retokehin ang hitsura ng kukunan sa litrato gamit ang computer o kaya naman ay pumili ng gusto mong background.

Mayroon din itong movie mode na may sound capture function kaya pwede mo itong ikonekta sa telebisyon upang ma-preview ang mga kuhang litrato.

Ito ngayon ang mukha ng camera -- ang produkto ng mahigit 200 taong kasaysayan ng litrato.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Alam Nyo Ba? Na Hindi Lahat ng Daga Peste?

Daga

Sa mga karaniwang bahay at gusali, ang daga ay iniiwasan at kinatatakutan. Bukod sa mabaho, nagdadala din ng sakit ang mga daga.

Pero alam n'yo ba na hindi lahat ng daga ay marumi at may dalang sakit? Sa katunayan, ang ilan sa mga ito tulad ng guinea pig o dagang kosta ay maaaring gawing house pet tulad ng aso at pusa.

Ang mga daga ay kabilang sa order ng rodentia o mas kilala bilang rodents. May 1,800 species ng rodent at sila ang may pinakamalaking grupo sa mamalian order.

Kabilang sa order na ito ang mice o bubuwit, squirrels, porcupines at guinea pig. Magkakaiba lang ang kinabibilangan nilang pamilya.

Ang mga daga ay kabilang sa pamilya muridae. Pitumpung milyong taon na ang nakakaraan nang una silang lumitaw sa mundo.

Kung tutuusin, di hamak na mas nauna pa silang nabuhay kaysa tao.

Sa kasalukuyan, tatlo ang pinakapopular na daga na nakikita ng tao araw-araw.

Ito ay ang Mus musculus o dagang bahay, Rattus tiomanicus o dagang-bukid at Rattus norvegicus o dagang siyudad.

Ang dagang bahay at dagang siyudad ay nagtataglay ng mga bacteria na delikado sa tao. Ito ang mga dagang dapat iwasan dahil sa sakit na leptospirosis na nakukuha sa natuyong ihi at dumi ng daga.

Sa kasaysayan, daga rin ang nagdala ng salot sa Europa noong 430 B.C. nang kumalat sa Athens ang bubonic plague na mula sa mga black rat o Rattus rattus.

Namatay ang libo-libong tao o halos kalahati ng populasyon ng sinaunang Gresiya dahil sa sakit na likha ng yersina pestis bacteria.

Ngunit sa kasaysayan din, ang pagkalat ng salot mula sa daga ay hindi naging hadlang para sa ibang bansa upang bigyang halaga ang mga daga.

Sa India, sinasamba ng mga Hindu ang daga dahil sa paniniwalang ang kanilang dios na si Ganesha ay nakasakay sa isang daga. Pinatayuan pa ito ng isang templo na tinawag na deshnoke.

Sa bansang Hapon at sinaunang Roma, ang daga ay simbulo ng kayamanan.

Nirerespeto naman ng mga Chino ang daga dahil sa pagiging matalino nito. Daga ang pinakauna sa zodiac ng mga Intsik.

Samantala, napatunayan ng mga dalubhasa na talagang matalino ang mga daga. Dahil dito, naging tampok sila sa mga tema ng pelikula.

Nandiyan si Mickey at Minnie Mouse, ang wais na daga sa pelikulang Mouse Hunt, at ang Stuart Little.

Mabilis ang pagdami ng mga daga. Ang isang babaeng daga ay maaaring magkaroon ng hanggang 84 na anak. Karaniwan, tumatagal ang kanilang buhay ng hanggang limang taon.

Cannibal din ang ilan sa kanila dahil pinapatay at kinakain ang kapwa daga.

Sa ngayon, nagagamit ang mga daga sa laboratoryo sa pamamagitan ng pagsubok kung tatalab ang isang uri ng gamot. Ginagawa ito dahil ang rat genome ay halos kapareho ng sa tao.

Nagtataglay sila ng 3 billion base pairs ng DNA.

May mga daga naman na sa halip na makapaminsala ay nakatutulong pa upang masugpo ang pagdami ng mga bulate sa bukid. Ito ang Crotomys whiteheadi.

Iba't iba rin ang gustong pagkain ng mga daga. Palay ang kinakain ng dagang bukid samantalang paborito naman ng dagang bahay ang keso at basura ang pagkain ng dagang siyudad.

Ngunit kung minsan, nakikinabang din ang mga tao sa daga dahil kung sobra na ang kanilang populasyon, diretso sa kawali ang kawawang mga daga, iyong nga lang, partikular ito sa dagang bukid.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Kung Bakit Nakakabalik parin ang hayop Kahit Naligaw pa ito?

Gallery: Animal instinct


Naitanong n'yo na ba sa inyong mga sarili kung bakit sa kabila ng napakalayongdistansya, nakababalik at nakababalik pa rin ang kalapati sa bahay niya? Kahit na ilang beses na iligaw ang kuting, magugulat ang tao na nagligaw dito dahil agad nakababalik ang hayop sa bahay?

Ano nga ba ang mayroon sa mga hayop at hindi sila nalilinlang pagdating sa direksyon?

Kapag ang tao ang naligaw, pilit niyang inaalala ang nadaanang mga palatandaan upang makabalik sa pinanggalingan.

Pero sa kaso ng hayop, ang mga ito ay may kakaibang navigational system. Ito ang kakayahan nilang makabalik sa lugar na kinilala nilang tahanan tulad ng aso, pusa at iba pa. Ang navigational system na ito ay magagamit sa paglalakbay ng hayop mula sa pinakamalapit na limang milya hanggang sa 5, 000 milya o higit pa.

Ayon sa mga siyentipiko, nagagawa ng mga hayop na maramdaman ang mga palatandaan na nagsisilbing giya sa kanilang pagbabalik. Ang mga elemento ng kalikasan tulad ng hangin, dagat, kabundikan, tunog at magneto ng lupa ang maaaring magturo sa kanila ng exaktong direksyon.

Ang mga bubuyog, halimbawa, ay nagagawang bumalik sa beehive gamit ang gabay ng bituin, araw at buwan.

Ang mga isdang salmon ay bumabalik sa lugar ng kanilang pinagsilangan sa pamamagitan ng amoy ng tubig.

Sa sobrang lakas ng kanilang homing instinct, lalakbayin ng salmon ang libo-libong milya ng dagat at kokontrahin ang malakas na agos ng ilog makaakyat lang sa kanilang lugar pangitlugan.

Ang "distinct homing behavior" ng mga hayop ang kanilang kakayahan na tukuyin ang direksyon na iba sa kakayahan ng tao. Limang beses ang lakas ng katangiang ito ng hayop kumpara sa tao.

Ayon sa ginawang pag-aaral at mga experimento ni Yasuo Harada ng Hhiroshima University sa Japan, may mga bakas ng mineral na iron sa otolith, o panloob na tainga ng ilang mga hayop, partikular sa mga ibon at isda.

Ang otolith organs ay nagbibigay sa mga hayop ng horizontal at vertical sense. Ang iron sa kanilang inner ear ang nagsisilbing compass upang maramdaman ang ang natural na magnetismo ng mundo.

Ang magnetized cells sa kanilang utak ay nakakatulong din upang malaman ang timog at hilaga.

Magkakaiba ang antas ng kakayahan ng hayop sa pag-alam sa magnetic field ng mundo. Pero pinakamalakas ang antas nito pagdating sa kalapati.

Kamakailan, nagpakawala ang Bagong Silang Racing Pigeon Association ng 1, 000 mga kalapati sa Calauag, Quezon. Umalipuyo ang mga ibon at nagpa-ikot-ikot, tila naghahanap ng direksiyon. Ilang sandali pa, tuluyan na silang nawala sa kalangitan.

Samantala sa Bagong Silang, Caloocan, isa-isang nagdatingan ang mga kalapati. Ang biyaheng tinatahak ng kotse ng anim na oras, ginawa ng mga ibon sa loob lang ng dalawang oras.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Alam Nyo Ba? Kung ano ang Kidney Stone?

Health Tips ni Ka Ernie: Kidney stones

Karaniwan na ang kidney stones o bato sa bato. Sa madaling salita, impeksyon sa bato.

Maituturing man na malubha ang sakit na ito, mayroon namang healing iet na maaaring gawin pang ito ay maalis.

Mabisa ang pag-inom ng sabaw ng buko. Dapat ding magkakain ng citrus fruits tulad ng dalandan, lemon at kalamansi ang may karamdamang ganito. Samahan pa ng mga prutas tulad ng mangga, melon, pakwan at peras ang nabanggit na healing diet upang matiyak ang lunas sa sakit.

Bukod sa madaling malusaw ang bato sa bato ng mga pagkaing ito, mapapababa rin ng mga nabanggit na prutas ang cholesterol count ng pasyente.

Inirerekomenda rin ang pagkain ng citrus at iba pang prutas sa mga may sakit sa puso at may alta-presyon.

Sa mga gulay naman, mahusay sa bato sa bato ang malunggay, asparagus, carrots, broccoli, talbos ng kamote at dahon ng ampalaya. Makakatulong ang mga ito upang matanggal ang impeksyon sa kidney.

Sa mga halamang gamot, subok na ng mga dalubhasa ang pinaglagaan ng dahon ng sambong, buhok ng mais at ugat ng damong cogon.

Panatilihin din ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw.

Sa mga mayroong urinary tract infection, mainam ang "natural antibiotic" tulad ng pinaghalong honey at bawang. Uminom ng isang kutsara nito tuwing matatapos kumain.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Kung saan nagmula ang salitang shampoo?

Alam N'yo Ba?: Shampoo

Marahil ay talagang nakapagtataka kung bakit may mga tao na matagal kung maligo. Wika nga, marahil ay malinis lang ang mga tao na ito sa kanilang pangangatawan.

Ang iba naman, sa pagsa-shampoo pa lang ng buhok, umaabot ng 10 minuto bago ito mabanlawan.

Ngunit ano at saan nga ba nagmula ang salitang "shampoo?"

Ang salitang shampoo ay mula sa salitang Hindu na "champo." Ibig sabihin nito ay "to massage."

Noong dekada '30, sinaliksik ni John Bbreck ang kauna-unahang shampoo na ipinakita sa publiko. Mahusay ang shampoo na ito para sa tuyo at malangis na buhok.

Lalo pang sumikat ang shampoo na ito nang lumabas ang patalastas ng "Breck Girls" na kinabibilangan ng mga kilalang bituin sa Hollywood na sina Kim Basinger, Brooke Shields, Jaclyn Smith at Cybil Shepherd.

Noong ng 1950s, "egg shampoo" naman ang sumikat kasabay din ng paggamit ng Jojoba hot oil treatment. Nakapaloob sa treatment na ito ang sumusunod na komposisyon: 80-90% tubig, 2-8% detergent at foaming agent at 1% fragrance.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship

Alam Nyo Ba? Kung sino ba talaga si Mona Lisa?

Mona Lisa
Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatanong: Sino nga ba si Mona Lisa?

Si Mona Lisa ang isa sa pinakatanyag na obra na likha ni Leonardo da Vinci.

Batay sa aklat na Vasari's Lives of the Artists na nalathala noong 1550, sinimulan ni da Vinci ang pagpinta sa Mona Lisa noong 1503 at natapos noong 1507.

Ipinagawa ang larawang ito ng isang mayamang negosyante, si Francesco di Bartolomeo del Giocondo.

Ayon sa paniniwala, ang ikatlong asawa ni del Giocondo na si Lisa di Antonio Maria Gherardini ang tunay na mukha na pinagkopyahan ng Mona Lisa.

Ngunit sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Lilian Schwartz, isang dalubhasa sa computer graphics, ang mukha ng Mona Lisa ay hango mismo kay da Vinci.

Ani Schwartz, perfectly-aligned ang facial features ni da Vinci at ng Mona Lisa. Ito, aniya, ang dahilan kung bakit hindi ibinenta ni da Vinci ang Mona Lisa.

Pahayag naman ng historian na si Rina de Firenze, maaaring ang Mona Lisa ay ang ina ni da Vinci. Para sa kanya, ito ang dahilan kung bakit pareho ang facial features ni da Vinci at ng Mona Lisa.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Ang isang lihim ang itinago sa Great Pyramid of Giza sa Egypt?

Pyramid rover

Apat na libo at limang daang taon na ang nakakaraan, isang lihim ang itinago sa Great Pyramid of Giza sa Egypt. Ngunit sa ika-21 siglo, nabuksan na ang sikretong ito.

Ang Great Pyramid of Giza ay libingan ni Khufu, ang ikatlong pharaoh ng ikaapat na dinastiya ng Egypt.

Mayroong dalawang malaking chambers ang pyramid: ang King's Chamber at Queen's Chamber.

Sa queen's chamber, naroon ang isang lagusan na matagal na pinaniniwalaang papunta sa isa pang chamber na naglalaman ng sekreto ng matandang karunungan ng Egypt at ng mga pyramid.

Nitong Setyembre 2002, sa harap ng milyon-milyong manonood sa telebisyon, nangyari ang matagal nang pangarap ng mga siyentipiko. Isang robot, ang Pyramid Rover, ang pumasok sa lagusan hanggang makarating sa nakaharang na batong tila maliit ding pinto.

Matapos butasan ang harang na bato, ipinasok ng pyramid rover ang maliliit na kamera nito.

Makapigil-hininga ito para sa mga archeologist dahil sa wakas, ang lihim ng mahigit 4,000 taon ay malalantad na. Ngunit laking-gulat nila nang matuklasang isa pang batong pinto ang nakaharang sa lagusan.

Kung ano pa ang nakatago sa likod ng ikalawang harang na iyon ay siya namang sisikapin na alamin ng mga archeologist sa mga susunod pang proyekto.

Sa ngayon, mananatili pa ring lihim ang sikreto ng Great Pyramid of Giza.
"Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down." 
-- Oprah Winfrey on friendship



Alam Nyo Ba? Na ang pinaka-cheap na lightbuld ay gawa sa plastic bottle?

Alam Nyo Ba? kung ano ang meaning, saan at ano ang pinagmulan ng mga popular brand name/logo na ito?

Alam Nyo Ba…


�kung ano ang meaning, saan at ano ang pinagmulan ng mga popular brand name/logo na ito?
Malamang alam nyo na. Ako kasi eh hindi pa at ngayon ko lang nalaman. :D
sega
1. SEGA - Shortened from Service Games of Japan, which originally imported pinball machines in American military bases in Japan.
Pepsi
2. PEPSI � Named from the digestive enzyme pepsin.
Nintendo
3. NINTENDO � From the Japanese name, NintendouNin can be translated as to entrusted and ten-dou means heaven.
Lego
4. LEGO � From the Danish leg godt, which means to play well.
Mattel
5. MATTEL � From the founders� names, Harold �Matt"� Matson and Elliot Handler.
Ikea
6. IKEA � The initials of founder Ingvar Kamprad, plus the initials of the property and village he grew up in, Elmtaryd Agunnaryd.

Martes, Mayo 21, 2013

ALAM NYO BA? Na ang movie na anastasia ay hango sa tunay na buhay?

Alam niyo ba na ang movie na anastasia na ginampanan ni meg ryan and john cusack  ay hango sa tunay na buhay? noong 1918 eh na massacre ang romanov family (royal family in russia na kamag anak nila prince philip of england) kasama ang 3 servants and yung family doctor nila.. and nung 1979 lang nila nakita yung body ng king,queen and yung 3 princess and positively identified nung 1991 using DNA fingerprinting. hindi kasama yung prince at yung youngest daughter (anastasia) so inakala nila na si anastasia eh nakasurvive sa massacre then may nagpanggap na siya si anastasia nung 1921  (I forgot the name of the impostor) she was so believable that even some relatives of the royal family who had survived the revolution accepted her as the real anastasia she died nung 1984 nalaman lang nila na impostor yung babae nung 1993 kasi kumuha ng bone marrow sample kay prince philip then pinagcompare yung DNA ni prince philip and nung impostor only to find out na hindi naman pala nila kamaganak yung babae. then nakita din naman nila yung katawan nung prince and ni anastacia (forgot the year ) after ng napakaraming taon na lumipas nailibing lang ang katawan nila noong 1998.

Follow me at: Visit this link: http://www.viloria.net/swa-pinoy/swa-tmv2.shtml?brentbitan999 and please watch the vedeo below.